Isa sa mga Mexican location scout ng Netflix hit series na ‘Narcos’ ang natagpuang patay at tadtad ng mga tama ng bala sa katawan sa Hidalgo, Mexico.
Kinilala ang biktima na si Carlos Muñoz Portal, 37-anyos na naging location scout din ng mga pelikulang tulad ng James Bond series na Spectre at Fast and the Furious.
Batay sa imbestigasyon, posibleng mga miyembro ng drug cartel ang pumatay kay Muñoz lalo’t sa Hidalgo ito narekober.
Kilala ang naturang lugar sa mga patayan at nakapagtala ng 2,186 homicide simula noong Enero hanggang Mayo lamang o katumbas ng 70 insidente ng pagpatay kada araw.
Bagaman ipinagluksa, kinondena naman ng buong team ng crime series na Narcos ang pagpatay sa kanilang kasamahan.
—-