Nakipag-sanib na umano ang Mexican Sinaloa drug cartel sa mga Chinese triad upang makapagpuslit ng iligal na droga sa bansa.
Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Aaron Aquino matapos hatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ng isa umano sa mga leader ng Sinaloa cartel na si Horacio Herrera.
Ayon kay Aquino, nagpatuloy ang operasyon ng Sinaloa sa Pilipinas kahit naaresto si Herrera noong 2015.
Gamit ang mga international service courier ay nakapag-pupuslit ang grupo ni Herrera ng cocaine sa Asya mula Mexico.
Nagsisilbi aniyang trans-shipment point ang Pilipinas ng mga droga o mga sangkap sa paggawa ng illegal drugs patungong Estados at Mexico mula China.
Ginagawa ring trans-shipment point ng Sinaloa ang Pilipinas ng mga droga namang patungong China mula Mexico.
—-