Nanganganib ngayon na maharap sa kakulangan ng supply ng pagkain ang Mexico.
Ito ay dahil sa ikinakasang protesta ng mga guro kung saan kanilang hinaharangan ang mga pangunahing riles ng tren.
Dahil dito, hindi makapasok sa bansa ang supply ng mga pangunahing pagkain gaya ng supply ng harinang mula sa trigo at mais.
Ayon sa ulat, nasa kabuuang dalawandaan at limampu’t dalawang (252) tren ang hindi makapaghatid ng nasa 2.1 milyong tonelada ng mga produkto kung kaya’t istranded sa mga pantalan ang nasa mahigit sampung libong (10,000) container ng supply.
—-