Nanindigan ang Mexico na hindi nila kailangan ang financial aid mula sa Estados Unidos.
Ito ang iginiit ngayon ni Mexican Interior Minister Miguel Angel Chong matapos ipag-utos ni US President Donald Trump ang pag-review sa ibinibigay na tulong pinansyal ng Amerika sa naturang bansa.
Giit ni Chong na hindi naman nararamdaman ng Mexico ang epekto ng pagbibigay ng ayuda ng Amerika.
Maliban dito, may sariling kakayahan na rin naman aniya ang Mexico ngayon.
Matatandaang malaking bahagi ng aid na ibinibigay ng US na napupunta sa Mexico ay bahagi ng Plan Merida Program kung saan nasa 2.6 bilyong dolyar ang inilalaang pondo ng Kongreso ng Amerika.
By Ralph Obina