Niyanig ng napakalakas na lindol ang katimugan at gitnang bahagi ng Mexico ngayong araw.
Batay sa tala ng US Geological Survey, may lakas na 7.2 magnitude ang naramdamang lindol sa Mexico.
Nakita ang epicenter nito sa layong 53 kilometro hilagang silangan ng Pinotepa sa Oaxaca State at may lalim na 24 na kilometro.
Bukod sa Oaxaca naramdaman din ang nasabing lindol sa Guerrero at Puebla.
Nagdulot naman ito ng takot at pangamba sa mga Mexicano at nagpaalala sa nangyari ring malakas na lindol sa kanilang bansa noong Setyembre nang nakaraang taon.
Ayon naman sa Mexican Civil Protection, meron na silang mga naitalang mga maliliit na pinsala dulot ng lindol pero wala pang inisyal ulat kung may nasawi.
—-