Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Mexico.
Ayon sa US geological survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong pitongpo’t pitong (77) kilometro hilagang silangan ng bayan ng Loreto.
Batay sa report, sa lakas ng pagyanig ramdam ang pag-uga ng mga gusali dahilan upang kumaripas ang mga tao papalabas ng mga establisimyento.
Gayunman, wala namang napaulat na napinsala o nasugatan sa naturang paglindol.