(UPDATED)
Umabot na 138 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.1 na lindol tumama sa Mexico.
Ayon kay Mexico President Enrique Pena Nieto, nakapagtala din sila ng hindi bababa sa 40 gusali na gumuho bunsod ng malakas na lindol.
Una nang sinabi ni Morelos State Governor Graco Ramirez na sa kanilang lugar, nakapagtala ng 54 na patay.
Habang 30 naman ang nasawi sa Mexico City ayon kay Mayor Miguel Angel Mancera.
Sa Puebla, 26 naman ang kumpirmadong nasawi.
Patuloy pa ang isinasagawang rescue operations ng mga awtoridad para mailigtas ang iba pang naipit sa mga bumagsak na gusali.
Ilang oras bago tumama ang lindol, nagkaroon pa ng seremonya sa Mexico para gunitain ang magnitude 8.0 na lindol na tumama sa kanila noong 1985.
Samantala, wala pang Pinoy na napaulat na nasugatan sa nasabing lindol.
—-