Niyanig ng magnitude 8.1 na lindol ang karagatan ng Mexico.
Ayon sa Us Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong isandaang kilometro timog kanluran ng bayan ng Pijijiapan at may lalim na tatlumput limang (35) kilometro.
Sa lakas ng lindol, naramdaman ang pagyanig sa Mexico City kung saan umuga ang mga gusali dahilan upang magtakbuhan sa mga kalsada ang mga tao.
Kaugnay nito, pinag-iingat naman ang Mexico, Guatemala, El Salvador, Costa Rica, Nicaragua, Panama at Honduras sa posibleng pagtama ng tsunami.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may napinsala sa naturang malakas na paglindol.