Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang Southwestern coast ng Mexico, sa Michoacan State.
Ayon kay President Andres Manuel Lopez Obrador, isa ang nasawi sa Pacific Port ng Manzanillo, matapos bumagsak ang pader sa isang tindahan habang isa naman ang nasugatan.
Kabilang naman sa mga napinsala ng lindol ang dalawang ospital sa Western State ng Michoacan.
Samantala, naglabas ng tsunami warning ang pacific tsunami warning center na posibleng umabot sa tatlong metro.
Sinabi pa ng organisasyon na maaaring magkaroon ng tsunami wave na mas mababa sa 0.3 meters sa Pacific coasts ng Colombia, Costa Rica, Ecuador, El Salvador, Guatemala, Honduras, Nicaragua, Panama at Peru.