Binalaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga aakyat ng Mount Pulag laban sa sobrang lamig.
Ayon sa PAGASA, dapat magdala ng mga pananggalang sa lamig at magsuot ng makapal na damit ang mga mag-te-trekking lalo’t pumalo sa 8 degrees Celsius ang temperatura, kaninang madaling araw.
Ito’y upang makaiwas sa hypothermia at iba pang uri ng sakit dala ng malamig na panahon.
Inaasahang babagsak pa ang temperatura sa naturang bundok o umabot sa 1 hanggang zero degrees celsius dahil sa patuloy pag-ihip ng hangin mula Siberia.
Kahapon ng umaga, nakapagtala naman ng 7.4 degrees celsius na temperatura sa Mount Santo Tomas at Tuba, Benguet.
By Drew Nacino