Posible umanong maging problema sa waterwaste ang abong idinulot ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Ito ang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos makaranas ng ash fall ang malaking bahagi ng Calabarzon maging ang NCR dahil sa phreatic eruption ng bulkang Taal.
Paliwanag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda, posibleng maging problema ang abo sa mga manhole lalo na’t nakaranas ng pag-ulan kasabay ng ash fall.
Hindi aniyang malabong magkaroon ng pagbabara dahil sa posibleng paninigas ng abo dahilan para maging pahirapan ang paglilinis nito.
Dahil dito aniya pinangangambahan na maging problema ito gaya ng pagbabaha.