Tiwala ang ilang mga pribado at pampublikong abogado na papabor sa pamahalaan ang magiging interpritasyon ng Korte Suprema batay sa isinasaad ng Saligang Batas.
May kaugnayan ito sa pagdideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao salig sa Article 7, Section 18 ng konstitusyon na nakatakda nang mapaso sa Hulyo 23.
Ayon sa ilang source ng DWIZ Patrol, inaasahan na ang nasabing desisyon ng high tribunal ay ilalabas sa lingguhang En Banc Session ng mga mahistrado sa Hulyo 04.
Habang kahapon naman ang huling araw ng itinakdang deadline para sa mga mahistrado ng Korte Suprema para makapagsumite ng kani-kanilang mga opinyon kaugnay sa nasabing deklarasyon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Mga abogado kumpiyansang papaboran ng SC ang ehekutibo sa pagdideklara ng Martial Law sa Mindanao was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882