Plano ng mga abogado na samahan na ang mga personnel ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga clearing operation.
Ito’y upang matiyak na tumatalima sa batas ang mga MMDA personnel maging ang kanilang mga sisitahin.
Ayon kay MMDA Supervisor for Operations Bong Nebrija, nais din nilang maiwasan na mabastos ang mga tauhan ng ahensya at maayos na magpapaliwanag sa mga apektadong residente ng kanilang mga violation.
Karaniwan anyang nakahaharap ng kanilang mga personnel ang mga taong ipinagyayabang ang mga koneksyon sa gobyerno at police official maging ang mga indibidwal na naninigaw.
Layunin ng plano na maiwasan ang mga komprontasyon na kadalasang nauuwi sa karahasan.
By Drew Nacino