Nilinaw ng Civil Service Commission (CSC) na ikinokonsiderang ‘excused’ ang pag-absent sa trabaho ng isang government employee na naka-quarantine, naka-isolate, o nagpapagaling sa COVID-19.
Sa resolusyon ng CSC, ang pagliban sa trabaho para sa panahon ng quarantine, pag-isolate at pagpapagamot dahil sa COVID-19 ng mga manggagawa ng gobyerno habang nagtatrabaho mapa onsite man o Work from Home (WFH) arrangement ay dapat ituring na excused absence.
Inamyendahan ng CSC Resolution no. 2101122 ang panuntunan sa paggamit ng leave credits for absences para sa COVID-19 quarantine o treatment.
Samantala, giit ng CSC, kailangang ikonsidera ang mga ganitong sitwasyon lalo na sa panahon ngayon na patuloy ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.—sa panulat ni Mara Valle