Sumampa na sa isangdaan animnapo’t apat (164) na mga Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa Western Mindanao Command (WESMINCOM) mula noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng WESMINCOM, karamihan sa mga sumuko ay mula sa Basilan, Sinundna ng Sulu, Tawi-Tawi at Zamboanga City.
Pinakahuling sumuko ay ang limang (5) bandido kahapon, Enero 29, kabilang ang kanilang mga armas na M16 rifle, M1 grand rifle, M79 grenade launcher at mga bala
Isa sa mga ito ay ang No. 1 sa wanted list ng militar at nasa Arrest Order No. 3 ng Department of Defense (DND).
Tiniyak ng militar na may mga rehabilitation program silang inihanda para sa mga sumukong Abu Sayyaf.
Muli namang nanawagan ang Armed Forces of the Phlippines o AFP sa mga terorista na sumuko na habang may panahon pa sila.