Hindi awtomatikong makababalik sa serbisyo ang 33 pulis na akusado sa Maguindanao Massacre at napawalang sala matapos maibaba ang hatol sa kaso kahapon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. General Bernard Banac, pag-aaralan pa ng pamunuan ng pambansang pulisya ang case folders ng mga nabanggit na pulis.
Dito aniya, ibabatay ang rekomendasyon sakaling umapela ang mga ito na muling maibalik sa serbisyo.
Paliwanag pa ni Banac, ang pagkakasibak sa mga naturang pulis ay batay sa bigat ng mga ebidensya kumpara naman sa criminal proceedings na nangangailangan ng maraming katibayan . — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)