Social media na marahil ang pinakapatok na means of communication sa buong mundo.
Ngunit alam niyo ba na ang madalas na paggamit nito tulad ng Facebook, Twitter at iba pang forms of social media ay maaring makapagpataas ng ‘paranoia’ o pagkapraning.
Tinatayang isa sa kada limang indibidwal ay nakararanas ng paranoia.
Bagaman walang napapansin na sintomas ay maaaring nasa panganib na lumala ito.
Sa lumabas na pag – aaral ng King’s College London, binabago ng ‘digital world’ ang lipunan sa paraang nagagawa nitong maiparamdam na mistula tayong ‘under surveillance’.
Ang kilos natin ay nasusubaybayan at anumang gawin natin ay maaari nang maging ‘recorded’ sa pamamagitan ng internet.
Idinagdag pa ng mga eksperto, kabataan ang higit na nasa panganib ng pagka-praning dahil sila ay maituturing na mga ‘heavy user’ ng social media.