Mahigit 2,600 mga mahihina at may katamtamang lakas ng mga aftershocks na ang naramdaman sa Cotabato at mga kalapit na lalawigan.
Batay ito sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng pagtama ng tatlong (3) malalakas na lindol sa Mindanao noong Oktubre.
Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, magkakalapit ang mga faults sa bahagi ng Cotabato kaya kapag gumalaw ang isang fault ay nagreresulta ito ng serye ng pagyanig.
Paliwanag ni Solidum, posibleng naitulak ng magnitude 6.3 na lindol noong Oktubre 16 ang bahagi ng M’lang fault sa Cotabato na nagtrigger naman ng magnitude 6.6 na lindol noong Oktubre 29.
Kasunod naman aniya niyo ang paggalaw ng Makilala fault at nagresulta sa magnitude 6.5 na lindol noong Oktubre 31.
Magmula nung October 16, at itong sumunod na magnitude 6.5 noong October 31 ay patuloy na nagdudulot nung mga pag buga ng lupa at nagkakaroon ng aftershocks. Maraming lindol ang naramdaman ng ating mga kababayan dyan (sa Cotabato) kaya sila’y minsan kinakahan. Pero ito pong mga pangyayari ay dulot ng pagkilos ng Cotabato fault system.. Patuloy pa ring nag a-adjust ang kapaligiran kaya nagkakaroon pa rin ng aftershocks,” —Phivolcs director Renato Solidum sa panayam ng DWIZ.