Nakapagtala na ng umaabot sa halos 4,000 aftershocks ang US Geological Survey sa Southern California.
Kasunod naman ito ng pagtama ng magkasunod na magnitude 6.4 at 7.1 na lindol sa nabanggit na lugar.
Ayon sa USGS, pinakamalakas na naitalang aftershock ay umabot sa magnitude 5.5.
Pinagiingat naman ng USGS ang mga residente sa Southern California dahil malaki anila ang posibilidad na magpapatuloy pa ang mga aftershock at pagyanig hanggang sa susunod na buwan.