Tiniyak ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hahabulin niya ang mga sangkot sa smuggling ng agricultural products.
Ito ang binigyang-diin ni Marcos makaraang isumite sa kanya ni dating Senate President Tito Sotto III ang listahan ng mga government official na protektor umano ng smuggling ng mga nasabing produkto.
Ang naturang listahan ay bahagi ng Committee report hinggil sa naging imbestigasyon ng Senado sa agri-smuggling.
Bukod sa pagiging Pangulo, si Marcos ang pansamantalang uupong kalihim ng Department of Agriculture simula ngayong Hunyo a – 30.