Tiniyak ng Malacañang ang kahandaan ng mga ahensya ng gobyerno sa banta ng La Niña phenomenon sa gitna ng napapadalas na pag-ulan sa hapon at gabi nitong mga nakalipas na araw.
Ayon kay Presidential Communications spokesman Sonny Coloma, pinaghusay na ang sitwasyon ng mga ahensya para sa La Niña phenomenon.
Kabilang na anya rito ang pinaigting na weather forecasting, hazard mapping at pinalawak na information dissemination sa pamamagitan ng Project Noah ng Department of Science and Technology (DOST).
Sa aspeto naman ng flood control, ini-upgrade at isinulong na ang rehabilitasyon ng mga lumang pumping station sa Metro Manila.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)