Nagbabala si Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica sa mga ahensya ng gobyerno na bigong mapabilis ang mga transaksyon at nagreresulta sa mga backlog.
Ito’y kasunod ng natatanggap na reklamo ng ARTA na hindi nakakatupad sa Zero Backlog Policy ang ilang ahensya ng pamahalaan.
Ito aniya’y malinaw na nakasaad sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business kung saan hindi dapat tumatagal ang mga dokumento o aplikasyon sa permit.
Dagdag pa ni Belgica na mayroon lang hanggang 20 araw ang mga tanggapan ng gobyerno para i-proseso ang mga aplikasyon.
Samantala, may karampatang parusa ang mga ahensya na mabibigong sundin dito. —sa panulat ni Airiam Sancho