Pinaghahandaan na ng mga ahensya ng gobyerno ang posibleng pagpasok ni Typhoon Mawar sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nagsagawa ng pagpupulong ang mga departamento para talakayin ang mga hakbang laban sa magiging pinsala ng bagyo.
Bumuo din ng programa ang National El Niño team na may layuning mas makatipid sa tubig at para mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa bansa.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Agriculture at National Irrigation Administration para sa augmentation ng supply sa mga potable water.
Bukod pa dito, inaalam narin ang posibleng maging kabawasan sa water level ng Angat dam, sakaling pumasok na ng bansa ang naturang bagyo na papangalanang ‘Betty’.