Pinakikilos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng gobyerno para maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng mga bilihin bunsod ng dagdag sa presyo ng mga langis at epekto ng TRAIN Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inatasan na ng Pangulo ang Department of Trade and Industry o DTI na i-monitor at bantayan ang mga negosyante na mananamantala sa sitwasyon.
Bukod dito, ipinaaresto rin aniya ni Pangulong Duterte ang mga lalabag sa suggested retail price o SRP.
Dadag pa ni Roque, inatasan na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang regional wage board na pag-aralan ang pagtataas ng minimum wage ng mga manggagawa.
Pinag-aaralan na rin aniya ng Department of Energy o DOE na mag-angkat ng langis mula sa mga bansang hindi miyembro ng organization of petroleum exporting countries kung saan mura ang mga produktong petrolyo gaya ng Russia.
—-