Ipinahayag ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kanilang suporta sa Oslo Joint Communiqué na napagkasunduan ng National Democratic Front (NDF) at administrasyong Marcos.
Layon ng naturang kasunduan na wakasan ang ilang dekadang armadong tunggalian sa bansa.
Para kay Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., mahalaga ang pangyayaring ito para sa mga Pilipino na nais makamit ang kapayapaan, pagkakasundo, at pagkakaisa sa bansa.
Ayon naman kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., magiging basehan ang hakbang na ito ng administrasyong Marcos upang itigil na ng mga rebelde ang armadong pakikibaka.
Good news para sa mga sundalo ang nasabing kasunduan ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Gen. Romeo Brawner Jr. Aniya, hangad ng lahat ng sundalo na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan.
Welcome naman kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda ang joint communique dahil hakbang ito upang magkaroon ng actual peace agreement.
Samantala, nanindigan si National Security Adviser Eduardo Año na napapanahon nang tapusin ang armed communist rebellion sa bansa.