Magdadagdag ng biyahe ang mga airline companies sa iba’t ibang kilalang tourist destinations sa bansa.
Ito ay upang mabawi ang malulugi sa kanila kasunod ng inaasahang paggsasara ng Boracay island sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Philippine Airlines Chief Customer Experience Officer Jessica Abaya, magkakaroon sila ng mga karagdagang flights sa Bacolod, Iloilo, Cebu at Puerto Princesa simula sa Abril 20.
Susundan pa aniya ito ng dagdag na flights mula Cebu patungong Busuanga, Xlark patungong Cebu at Busuanga at maging Manila patungong Dumaguete at Cagayan De Oro.
Sinabi naman ni Cebu Pacific Chief Information Officer Maria Rosario Lagamon, magdedeploy sila ng dalawang hanggang limang porsyentong dagdag na mga eroplano sa iba pang mga destinasyon sa bansa.
Habang pansamantala namang babawasan ng airasia ang kanilang mga biyahe patungong Caticlan at Kalibo.