Magiging obligado na ang mga airline companies na ipaliwanag sa mga pasahero ang dahilan kapag nade delay ang flights.
Ayon kay Ed Monreal, general manager ng Manila International Airport Authority, maglalabas sila ng resolusyon upang bigyang diin ang importansya ng pagpapaliwanag sa mga pasahero.
Sinabi ni Monreal na bagamat mayroong announcement ng delayed flights tuwing ika 10 minuto, kalimitang bitin ang paliwanag kung bakit.
Inihalimbawa ni Monreal ang red lighting advisory nitong linggo na naging dahilan kaya’t nadelay at na-divert ang mga papalapag na eroplano.
Kalimitan anyang reklamo ng mga pasahero ay kawalan ng impormasyon kung ano ang ibig sabihin ng lighting alert.