Balik na ang operasyon ng mga paliparan na naapektuhan ng bagyong Nona.
Ipinabatid ito ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines, maliban lamang sa Catarman Airport sa Northern Samar na labis na napinsala ng bagyo.
Ayon kay Area Center 8 Manager Danilo Abareta, gumagana na ang runway at flight service station gamit ang generator subalit sira pa rin ang mga linya ng kuryente at komunikasyon.
Kabilang naman sa mga operational na muli ang mga paliparan sa Biliran, Borongan, Calbayog, Catarman, Catbalogan, Guiuan, Hilongos, Maasin, Ormoc at Tacloban.
Bukod pa ito sa mga airport sa Bulan, Daet, Legazpi, Masbate, Naga, Sorsogon at Virac gayundin sa San Jose, Mamburao, Romblon, Lubang at Calapan airports sa Mindoro.
By Judith Larino