Nananatiling suspendido ang mga aktibidad at turismo sa bayan ng tinglayan, balbalan, lubuagan, pasil at pinukpuk dahil sa patuloy na banta ng Covid-19 sa lalawigan ng Kalinga.
Gayunpaman, ang Tabuk City at Tanudan town, ay binuksan para sa mga fully vaccinated na mga turista sa kondisyon na ang mga tourist spots ay may 50% capacity para sa outdoor dining at 30% capacity para sa indoor dine ins sa mga establisyemento.
Samantala, sinabi ni Municipal Administrator Noel Macaiba, na ang mga aktibidad sa turismo lalo na sa Upland Buscalan village ay mananatiling suspendido sa publiko.
Ang lalawigan ng Kalinga ay nasa ilalim ng alert level 3 kung saan, nakapagtala ng tatlumput dalawang bagong positibong kaso ng virus at apat na daan at anim na put siyam na aktibong kaso ng Covid-19. —sa panulat ni Kim Gomez