Kasado na ang kaliwa’t kanang aktibidad ng mga grupo ng manggagawa sa iba’t ibang panig ng bansa para sa pagdiriwang ng labor day, bukas.
Pangunahing tinututukan ang isasagawang dayalago sa pagitan ni pangulong rodrigo duterte at mga labor group sa People’s Park sa Davao city sa mismong Araw ng Paggawa.
Sa ipinadalang text message sa DWIZ ni Associated Labor Union spokesman Alan Tanjusay, inaasahan nilang maglalabas ng kautusan ang pangulo bilang “Surprise labor day gift” sa employment sector.
Ayon kay Tanjusay, inaabangan na ng milyun-milyong manggagawa ang anumang malaking anunsyo ni Pangulong Duterte maging ang kauna-unahan nitong labor day speech.
Dapat anyang tuparin ng pangulo ang mga pangako nito sa mga manggagawa partikular ang pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon.
Inihayag din ni Tanjusay na nananatiling positibo ang mga manggagawa na pakikinggan ng pangulo ang kanilang hirit lalo’t magkakaroon ng isang pribadong dayalogo.
By Drew Nacino