Tinuligsa ng ilang grupo na nagtutulak sa karapatang pantao ang preparasyon at mismong aktibidad ng pamahalaan para sa paggunita ng International Human Rights Day sa Disyembre 10 araw ng Huwebes.
Ayon kay Commission on Human Rights Commissioner Karen Gomez-Dumpit, taliwas sa tunay na sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa ang mga nakaumang na programa na pinangungunahan ng Department of Justice at Department of Foreign Affairs.
Nariyan kasi aniya ang extra judicial killings, pagsupil sa press freedom, mga pag-aresto at pagre-red tag sa mga aktibista.
Para naman kay karapatan Secretary General Cristina Palabay, nahaharap ang Pilipinas sa pinakamalalang kalagayan ng human rights dahil sa mga nangyayaring paglabag.
Apela ng grupo, magkaroon nawa ng sinserong kasunduan sa pagitan nila at ng pamahalaan.