Kasado na ang ang simbahan sa isla ng Boracay sa paggunita ng Semana Santa na magsisimula ngayong Linggo ng Palaspas.
Inaasahan naman na sa araw ng Biyernes Santo, Abril 19, isasagawa sa white beach ng isla ang isang senakulo na nagpapakita ng mahahalagang kaganapan sa buhay ni Hesukristo gaya ng mga huling yugto ng kanyang buhay, pagsasakripisyo at kung paano siya namatay mula sa Barangay Manocmanoc hanggang sa Barangay Balabag.
Posibleng pumalo umano sa 51,000 na mga turista ang magtutungo sa Boracay ngayong mahal na araw.
Una nang sinabi ng Aklan Police Provincial Office, na nakakasa na ang lahat ng kanilang ipatutupad na security measures ngayong semana santa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabakasyon doon.
Pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga bakasyunista na mahigpit na sundin ang mga panuntunan sa isla upang maiwasan ang anumang multa o penalty.