Nasa rest mode pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t hindi na naman ito nakita ng publiko sa mga nakalipas na araw.
Ito ang paliwanag ng Malakaniyang makaraang mabatid na dalawang araw nang walang opisyal na iskedyul ang Pangulo ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangan pa ng ibayong pahinga ng Pangulo ngunit hindi aniya ito pagkakataon para mag-isip ng negatibo ang publiko.
May kaniya-kaniya aniyang workload ang isang tao dahil may ilan ngang abala sa paglalaro ng video games habang may ilan namang pinipiling umalis ng bansa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping