Nakalinya na ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution sa Pebrero 25 na may temang EDSA 30: Ipagpapatuloy ko ang Biyahe Tungo sa Liwanag.
Kabilang dito ayon kay People Power Commissioner Emily Abrera ang pagpapasinaya sa People Power Experiential Museum na magpapakita sa mga kabataan ng tunay na dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng Martial Law.
Sinabi ni Abrera na mahalagang maunawaan ng mga kabataan ang tunay na diwa ng mapayapang rebolusyon at madilim na nakaraang idinulot ng batas militar.
Ang pagdiriwang ng EDSA Uno ngayong taon ay pinaglaanan ng P35 milyong piso.
By Judith Larino