Ilang mga aktibidad ang inilatag ng pamahalaan para sa pagdiriwang ng ika-120 kasarilan ng Pilipinas ngayong araw.
Sa abiso ng Malacañang, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa tahanan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa Kawit Cavite mamayang alas 8:00 ng umaga.
Kasabay nito, magkakaroon naman ng hiwalay na flag raising at wreath-laying ceremony sa Rizal Monument na pangungunahan ni Vice President Leni Robredo at sa Mausoleo De Los Veteranos Revolucion sa Manila North Cemetery na dadaluhan naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Gayundin sa National Headquarters Building ng Philippine National Police sa Kampo Krame na pangungunahan naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Magsasagawa rin ng kasabay na pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa Malolos Bulacan, Monumento Caloocan, San Juan City at Angeles City Pampanga.
Samantala, ilan pa sa mga isasagawang aktibidad sa Rizal Park ay ang libreng serbisyo medikal, dental at optical, pagtatayo ng mga booth ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at Musikalayaan Concert na gaganapin mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.
—-