Umarangkada na ang iba’t ibang aktibidad para sa paggunita ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay Pastor Boy Saycon, Commissioner ng People Power Commission, sinimulan nila sa pag-aalay ng mga bulaklak sa Libingan ng mga Bayani.
Ito aniya ay simbolo ng pagkalas noon sa Marcos administration ng noo’y Defense Secretary Juan Ponce Enrile at noo’y Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Fidel Ramos.
Binuksan rin ang ‘The Legacy of Edsa and Beyond’ sa Trinoma bilang bahagi ng selebrasyon.
Tatapusin ang apat na araw na paggunita sa makasaysayang EDSA People Power sa pamamagitan ng flag raising ceremony sa Linggo February 25 sa People Power Monument.
Kasabay nito, inihayag ni Saycon na binigyan nila ng permiso ang iba’t ibang grupo para rin makapagpahayag ng kanilang damdamin hinggil sa people power.
“Lahat pinagbigyan ngayon, silang lahat, may mga humingi ng permiso para bigyan din sila ng pagkakataong makapag-pahayag ng kanilang mga damdamin sa iba’t ibang paraan, ang pagdiriwang po ng EDSA ay hindi puwedeng exclusive lang po, all included po ‘yan.” Pahayag ni Saycon
(Karambola Interview)