Nagsimula na ang siyam na araw na pagnonobena alay sa karangalan ng Senyor Sto.Niño de Cebu na hudyat na rin ng pag-arangkada ng taunang Sinulog Festival.
Tinatayang nasa walongdaang mga deboto ang nakiisa sa isinagawang misa sa labas ng Minor Basilica ng Sto.Niño sa pangunguna ni Fr. Pafico Nohara Jr ng Order of St. Augustine.
Hinimok ni Fr. Nohara ang mga mananampalataya na ibahagi ang pagmamahal ng Panginoon sa kapwa tulad ng aral na ibinabahagi ng mga magulang sa kanilang anak.
Magtatagal ang nasabing nobena hanggang sa Enero a-beinte uno na siyang araw ng kapistahan ng Sto.Niño at mismong araw din ng Sinulog Festival.