Nais isalang sa lifestyle check ni Senador Risa Hontiveros ang mga akusadong nasa likod ng ‘Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale’ sa Bureau of Corrections (BuCor).
Hiniling rin ni Hontiveros na isumite sa Blue Ribbon Committee at Committee on Justice and Human Rights ng senado ang statement of assets and liabilities ng mga akusado sa nagdaang limang taon.
Kabilang sa mga itinuro ng whistle blower na si Yolanda Camilon sina BuCor Major Maribel Bansil na syang nag-alok sa kanya na makalalaya ang kanyang asawa kapalit ng P50,000; Staff Sgt. Ramoncito Roque ng BuCor Documents Office at isang Veronica Buno.
Sa muling pagharap ni Camilon sa senado, pinanindigan nito ang kanyang akusasyon laban sa tatlong tauhan ng BuCor.