Wala nang kasiguraduhan kung magkakaroon pa ng conviction sa mga suspek sa Maguindanao massacre case bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.
Taliwas ito sa naging pahayag ni dating DOJ Secretary Leila de Lima na posible at kakayaning mapa-convict kahit isa man lang suspek sa panahon ng panunungkulan ni PNoy.
Ayon kay DOJ Undersecretary at Spokesman Alfredo Benjamin Caguioa, hindi kayang ibigay ng ahensya ang kaparehong assurance.
Aniya, ang prosecution team aniya na nakatutok sa kaso ay walang kontrol sa itatakbo at itatagal ng kaso.
Ang sigurado lang aniya sa ngayon ay ginagawa ng prosecution team ang lahat para labanan ang anumang delaying tactics ng defendants.
By Rianne Briones