Nakatakdang basahan ng sakdal ngayong araw sa Angeles City Regional Trail Court Branch 58 ang mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean Businessman na si Jee Ick Joo.
Ito’y makaraang amiyendahan kahapon ng DOJ o Department of Justice ang inihaing kaso nito kung saan, nadagdagan pa ang mga akusado.
Kabilang sa mga nadagdag sa kasong homicide na isinampa ng DOJ sina Supt. Rafael Dumlao at Jerry Omlang bilang mga principal suspek gayundin ang may-ari ng Gream funeral parlor na si Gerardo Santiago bilang accessory.
Habang nananatili namang akusado sa special complex crime na kidnapping for ransom with homicide sina SPO3 Ricky Sta.Isabel at SPO4 Roy Villegas makaraang pagtibayin ng DOJ ang nauna nilang resolusyon nuong enero.
Samantala, absuwelto naman sa kaso ang dating akusado na si Ramon Yalong habang ipaghaharap naman ng kasong paglabag sa anti-carnapping law sina Sta. Isabel, Dumlao, Omlang at Villegas dahil sa pagtangay nila sa Ford Explorer na pagmamay-ari ni Jee.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo