Handa ang Department of Agriculture (DA) na tumanggap ng hayop bilang collateral sa pautang sa mga magsasakang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, may P10-milyon pondo na inilaan ng DA Agricultural Credit Policy Council bilang pautang para makatulong sa mga magsasaka.
Sinabi ni Dar na babayaran ng ahensya ang hayop ng 50% o kalahati ng market value nito.
Tiniyak din ni Dar na mababawi ng mga magsasaka ang kanilang mga alaga sa oras na bumalik na sa normal ang sitwasyon ng bulkan Taal.