Good news sa fur parents!
Pinapayagan na ring makasakay ng MRT-3 ang ilang domesticated animals tulad ng mga Aso at Pusa.
Paalala ng pamunuan ng MRT-3 sa mga mananakay, dapat na nakasuot ang mga ito ng diaper at nasa enclosed pet carrier na hindi lalagpas sa 2 ft by 2 ft.
Isang alagang hayop lamang kada pasahero ang maaaring isakay at hindi rin maaaring pakainin ang mga ito habang nasa biyahe.
Hindi rin dapat nito punan ang upuang nakalaan para sa ibang pasahero at kinakailangang sagutan ng pet owners ang waiver form na nagsasaad na walang anumang pananagutan ang MRT-3 sa anumang pagkawala o pinsala dulot ng pagsakay ng alagang hayop sa tren.