Maaari nang isakay ang mga alagang hayop tulad ng aso at pusa sa LRT line 2 simula a primero ng Pebrero.
Sa Laging Handa Public Briefing sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na kabilang sa mga panuntunan ay dapat fully vaccinated ang mga alagang hayop, nakalagay sa maayos at malinis na kulungan at kung maaari ay maliliit lamang o katamtamang laki ng alaga at naka-diaper para hindi makaabala sa mga pasahero.
Sa ngayon, sinabi ni Cabrera na inaayos nila ang deployment ng kanilang mga security personnel para sa maayos na pagpapatupad ng mga panuntunan.
Tiniyak naman ni Cabrera na handa silang mag-adjust ng mga patakaran sa pagsisimula ng pagpapatupad nito batay sa maoobserbahan kailangang pagbutihin pa sa mga unang linggo ng programa.
Layon nito na gawing pet-friendly ang sistema.
Nilinaw naman ni Cabrera na sa LRT line 2 lamang ito ipatutupad bagaman sa mga nakaraang taon aniya ay may ganito na ring programa ang LRT-2.