Nakatakdang ipatawag ng House Committee on Justice sa susunod nitong pagdinig sina Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro at Manila Times Reporter Joel Canlas.
Ito’y para patunayan ang umano’y panduduktor ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa ilang mahalagang mga dokumento gayundin ang ginawang pagbaliktad umano nito sa inilabas na TRO o Temporary Restraining Order para sa Senior Citizen’s Party-list noong 2013.
Sa pagharap ni Gadon sa deliberasyon ng impeachment laban sa punong mahistrado, kaniyang inamin na wala siyang peronal na impormasyon hinggil dito dahil sinabi lamang umano sa kaniya ito ni Canlas.
Maliban dito, sinabi rin ni Gadon na si Canlas din ang siyang nagkuwento sa kaniya hinggil sa pineke umanong resolusyon ni Sereno na humihiling sa ehekutibo para imbestigahan ang apat na hukom na sangkot sa iligal na droga.
—-