Binalewala ng isang opisyal ng National Board of Canvassers o NBOC ang mga alegasyon ng kampo ni Senador Bongbong Marcos na milyon-milyun umano ang under votes o hindi bumoto sa pagka-bise president.
Ayon kay Senator Koko Pimentel, pinuno ng Senate Contingent sa Joint Canvassing of Votes, hindi isyu sa NBOC ang konsepto ng under votes dahil wala namang abugado ang umalma sa anumang certificate of canvass o COC nang isama ang mga ito sa official tally.
Lagi naman anyang binabanggit ng kampo ni Marcos ang konsepto ng under votes pero hindi naman nagrereklamo ang mga ito nang binibilang na ang mga COC.
Ayon sa abugado ni Marcos na si Atty. George Garcia, aabot sa 3.2 million ang nag under vote sa pagka-bise presidente sa 2016 elections.
Kahina-hinala anya ang ganitong kalaking bilang lalot sa ilang lugar anya ay walang nakuhang boto si Marcos.
By Jonathan Andal