Itinanggi ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga alegasyon ni Associate Justice Teresita de Castro sa pagsalang nito sa impeachment hearing sa Kamara kahapon.
Binigyang diin ng mga abogado ni Sereno na walang inilabas na kautusan ang punong mahistrado na hindi sinang ayunan ng Supreme Court en Banc.
Ayon pa sa legal team ni Sereno kahit ilang oras sumalang bilang testigo si De Castro ay hindi naman nito direktang masabi kung impeachable offense ang inaakusa sa kanilang kliyente ma isang patunay na mahina talaga ang reklamo.
Una nang ibinunyag ni De Castro sa pagdinig ang pagbuo ni Sereno sa JDO o Judiciary Decentralized Office sa 7th Judicial Region sa pamamagitan ng isang administrative order na wala naman sa kapangyarihan ng punong mahistrado.