Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga alituntunin sa unang presidential debates na itinakda sa Marso a– 19.
Ayon kay COMELEC Spokesman, Director James Jimenez, magkakaroon ng single-moderator format ang tatlong oras na debate nang walang live audience.
Mayroon din anyang draw kung kanino mapupunta ang unang tanong habang alphabetical order ang pagsagot ng mga kandidato sa mga susunod na tanong hinggil sa mga paksang may kahalagahan sa bansa, tulad ng pandemya at ekonomiya.
Itinakda naman ng poll body ang ikalawang debate sa abril a – tres habang sa Marso a-20 ang vice-presidential debate.
Gayunman, wala pang venue kung saan gaganapin ang nasabing aktibidad.
Samantala, isasapinal ng poll body at Vote Pilipinas ang kasunduan sa Pilipinas debates 2022 sa pamamagitan ng signing ceremony sa Sofitel Hotel, Pasay City, ngayong araw.