Naniniwala ang ilang Alkalde ng Metro Manila na maayos silang sumunod sa utos ng Department of Local and Interior Government (DILG) na alisin ang obstruction sa kani-kanilang mga lugar.
Ngunit inamin nila na hindi posibleng 100% tuluyang mawala ang lahat ng obstruction.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, kahit na magikot-ikot ay hindi 100% malilinis ang mga kalsada.
Iginiit din ni Navotas Mayor Toby Tiangco na mahirap panatilihing malinis ang mga kalsada dahil hindi naman nakasisigurong wala nang ilegal na magpaparada ng mga sasakyan.
Para naman kay Pasig City Mayor Vico Sotto, tanging solusyon lang ay ang paulit-ulit na clearing pag-iinspeksyon sa mga lansangan.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang inspeksyon ang validating team ng DILG hanggang bukas, Oktubre a singko.