Binibigyan lamang ng Department of Interior and Local Government ang mga alkalde hanggang sa Setyembre para alisin ang lahat ng balakid sa mga kalsada.
Ayon kay DILG Sec Eduardo Año, ibibigay niya ang direktiba sa mga city mayor at administrators sa magiging Metro Manila Council meeting ngayong araw.
Aniya, dapat na matanggal ng mabilis ang mga vendors, basketball courts at maging ang mga barangay hall at presinto ng pulis sa lahat ng mga public road.
Tutukan ito ng DILG kasunod na rin ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state of the nation address.