Ipinatawag na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang lahat ng alkalde.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, imbitado ang lahat ng mayor para sa kanilang “one-on-one meeting” sa Pangulo, mamaya.
Gayunman, hindi idinetalye ni Abella kung may kaugnayan ang imbitasyon sa pahayag ni Duterte na personal nitong ipahahanap sa mga alkalde ang kanilang mga pangalan sa druglist kung kabilang ang mga ito sa listahan.
Magugunitang nagbanta ang Punong Ehekutibo na hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang mga alkaldeng mapatutunayang sangkot sa illegal drugs kung hindi magbibitiw sa pwesto ang mga ito.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)